Ang isang lalaki na nagbebenta ng abortion pills at rape drugs online ay arestado matapos ang entrapment operation ng NBI sa Pasay City noong Agosto 13.
Ayon sa NBI, ang suspek na kilala sa alyas “Jonathan” o “Tan” ay nahuli dahil sa paglabag sa mga batas tulad ng FDA Law, Cybercrime Prevention Act, Pharmacy Act, at Consumers Act.
Nagsimula ang operasyon matapos ang tip mula sa isang informant na nagsabing nagbebenta ang suspek ng mga gamot nang walang Certificate of Registration (COR), PRC License, at FDA Permit.
Isang customer ang bumili ng ₱40,500 halaga ng abortion pills at rape drugs. Nang dumating ang rider para mag-deliver, itinuro nito ang bodega kung saan kukunin ang balanse.
Doon mismo tinanggap ng suspek ang pera mula sa isang undercover agent, dahilan para agad siyang maaresto.