
Ang magkasintahan at YouTubers na sina Stacey Tourout at Matthew Yeomans ay nasawi sa isang off-road aksidente noong Agosto 7, 2025 sa mga bundok ng British Columbia.
Ayon sa ina ni Stacey na si Colleen Tourout, pareho silang namatay matapos magtamo ng malubhang pinsala. Sa kanyang pahayag, sinabi niya na ito ay isang matinding dagok sa kanilang pamilya at tinawag ang kanilang kwento bilang isang amazing love story na nagwakas nang magkasama sila.
Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang kanilang sasakyan sa matarik at batuhang daan. Bumagsak ito ng humigit-kumulang 200 metro, gumulong nang maraming beses bago huminto sa ibaba. May isa pang sasakyan na kasunod nila na tumulong at agad tumawag ng saklolo.
Ang Toyota World Runners channel nina Stacey at Matthew ay may mahigit 204,000 subscribers sa YouTube at higit 77,000 followers sa Instagram. Sikat sila sa paggawa ng videos tungkol sa pag-explore ng bundok, kagubatan, at bangin, na nagbibigay inspirasyon sa kanilang viewers.




