
Ang sikat na French resto sa Makati ay may unlimited steaks at sides para sa halagang ₱1,900! Available ito sa kanilang lunch special mula 11 a.m. hanggang 3 p.m. Kasama na rito ang dinner rolls, Soup of the Day, salad, unlimited sides, at syempre, unlimited ribeye o picanha steaks.
Para sa mga steak lovers, parehong masarap ang ribeye at picanha. Ang ribeye ay kilala sa malambot na laman at tamang taba para sa juicy na lasa. Samantala, ang picanha, na tinatawag ding top sirloin o rump cap, ay may fat cap na perfect kapag nilagyan ng flaky sea salt.
Hindi lang steak ang bida dito. Ang mga side dishes ay panalo rin! Pwede kang pumili ng Steak Rice para sa dagdag beefy flavor, Mashed Potatoes para sa classic feel, Aglio Olio para sa garlic goodness, at Truffle Cream Corn para sa creamy na twist.
Kung naghihintay ka ng special occasion, wag na! Kahit regular na araw, puwede kang mag-celebrate dito. Pero mag-reserve ka agad dahil marami ang gustong mag-try ng unli steaks na ito!