
Ang isang 19-anyos na babae ay naaresto sa Davao City matapos umano niyang tangkain holdapin ang taxi driver na sinakyan niya. Nangyari ito sa Dumanlas, Barangay Buhangin Proper noong Miyerkules, Hulyo 16.
Ayon sa imbestigasyon, sumakay ang suspek na si Jaysa sa isang taxi mula Toril terminal patungong Southern Philippines Medical Center. Ngunit pagdating sa San Gabriel Street, malapit sa kanyang destinasyon, nagdeklara siya ng holdap.
Tinutukan umano ng babae ng kutsilyo sa baywang ang driver. Sa takot, huminto ang taxi driver at humingi ng tulong sa mga residente ng lugar.
Dahil dito, nahuli agad ang suspek ng mga pulis. Narekober sa kanya ang ginamit na kutsilyo. Mahaharap siya sa kasong robbery with intimidation.