
Ang Olympic medalist na si Audun Groenvold ay pumanaw matapos tamaan ng kidlat noong Hulyo 15 habang nasa isang cabin trip. Ayon sa Norwegian Ski Federation, agad siyang dinala sa ospital ngunit idinaklang patay makalipas ang ilang oras.
Si Groenvold ay 49 taong gulang at kilalang atleta sa alpine skiing at ski cross. Isa siya sa mga prominenteng miyembro ng sports community sa Norway. Noong Vancouver Olympics 2010, nanalo siya ng bronse sa men's ski cross.
Naging bahagi siya ng Norway’s national alpine team mula 1993 hanggang 2004 bago lumipat sa freestyle at ski cross. Matapos ang kanyang karera sa Olympics, naging coach, TV commentator, at board member ng Norwegian Ski Association.
Ayon kay Tove Moe Dyrhaug, presidente ng Norwegian Ski Federation, si Groenvold ay isang mahalagang tao sa mundo ng skiing at ang kanyang pagkawala ay nag-iwan ng malaking puwang sa komunidad.
Siya ay naiwan ng kanyang asawa, si Kristin Tandberg Haugsjå, at ang kanilang tatlong anak.