
Ang isang bagong silang na sanggol ay namatay matapos maipit sa kadena ng motorsiklo sa Tagkawayan, Quezon. Ayon sa pulis, pauwi na sa Barangay Pasay del Gallego, Camarines Sur ang mga magulang ng sanggol habang sakay ng motor at bitbit ang sanggol na nakabalot sa kumot.
Hindi raw napansin ng mga magulang na nahulog at lumaylay ang kumot ng bata. Sumabit ito sa kadena ng motorsiklo kaya habang tuloy-tuloy ang takbo, nahila ang kumot kasama ang sanggol mula sa pagkakakarga ng nanay.
Samantala, sa Baguio City, isang patay na sanggol ang natagpuan sa basurahan ng Barangay Upper Rock Quarry. Patuloy ang imbestigasyon kung sino ang nag-iwan sa bata.