
Ang isang senior citizen ay nasawi matapos maipit ang sinasakyan niyang motorsiklo ng isang 10-wheeler truck sa Quezon City. Ayon sa mga awtoridad, nakaparada ang naturang trak at walang driver nang mangyari ang insidente.
Bigla umanong umusad ang truck kahit walang nagmamaneho at bumangga ito sa isang poste. Sa kasamaang-palad, nasagi nito ang motorsiklo kung saan nakasakay ang matandang lalaki.
Wala nang nagawa ang mga rumespondeng rescuers nang matagpuan ang biktima sa ilalim ng truck. Dead on the spot ang senior citizen dahil sa bigat ng pagkakaipit.
Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga pulis kung bakit gumalaw ang truck nang wala itong driver. Posibleng may problema ito sa preno o handbrake, ayon sa paunang pagsusuri.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga awtoridad sa pamilya ng biktima at nananawagan ng mas mahigpit na inspeksyon sa mga nakaparadang sasakyan sa pampublikong lugar.