
Ang creator ng kilalang webtoon na Itaewon Class, si Gwang Jin, ay pupunta sa Manila ngayong July para sa serye ng workshops at drawing sessions. Kung fan ka ng kwento ni Park Sae-ro-yi, ito na ang chance mong matuto direkta mula sa author.
Ang events ay inorganisa ng Korean Cultural Center in the Philippines. Iku-kwento ni Gwang Jin ang kanyang journey — mula sa paglikha ng webtoon, hanggang sa pag-adapt nito bilang TV series. Magkakaroon din ng live drawing kung saan makikita mo kung paano siya mag-sketch ng webtoon panels.
Narito ang schedule:
July 4, 1:00 PM – Sketching Beginnings sa De La Salle-College of St. Benilde
July 5, 1:00 PM – Plotlines and Panels sa Metropolitan Museum of Manila
July 6, 1:30 PM – Ink & Industries Masterclass sa Philippine International Comics Festival, SM Megamall
Libre ang lahat ng workshops, pero kailangan ng pre-registration bago ang June 25. Makakatanggap ng confirmation email sa June 26 kung pasok ka sa slots. Para sa PICOF event, libre ang masterclass pero may bayad ang pagpasok sa mismong festival. Available ang tickets sa Ticket2Me.
Ang Itaewon Class ay kwento ng isang binatang si Park Sae-ro-yi, na nagtayo ng bar sa Itaewon habang humihingi ng hustisya laban sa makapangyarihang Jangga Group. Naging TV hit ito na pinagbidahan nina Park Seo-joon at Kim Da-mi.