
Ang pop-up dinner na ito ay kakaiba—Bougie na Dinakdakan, Pares na may lamb, at Uling na dessert ang ilan sa mga bida. Gaganapin ito ngayong Hunyo 25 at 26 sa BRUTAL by Wadough’s para sa MANILLE: A French-Filipino Table Story. Sina Chef Wado Tan Siman at Chef Jeffrey Le Bon ang magtatambal para sa isang eight-course dinner na puno ng sarap at kwento. Hindi ito basta kainan—isang culinary storytelling kung saan nagsasama ang lasa ng Pilipinas at ng French-Mediterranean cuisine.

Hindi fusion ang concept—ito ay conversation sa pamamagitan ng pagkain. Ang mga putahe ay modernong version ng mga paboritong Pinoy dishes, pero may French finesse. Ang standout? Ang Dinakdakan na nasa crispy panipuri, may ratatouille relish, sinamak jelly, at edamame—bougie pero may pusong Pinoy.
Para sa main course, hindi makakalimutan ang Lamb Pares na may yaki onigiri na may quail egg, spring onion espuma, at garlic confit. Kung hilig mo ang matamis, ang Uling dessert ay sure win—may charcoal meringue, calamansi curd, pinipig, at iba pang matamis na bagay na perfect na pang-closing ng gabi.
Sino ang nasa likod ng hapunan? Si Chef Jeffrey Le Bon, dating nagluto sa Michelin-starred restaurants sa US at Hong Kong, ay may dalang global style gamit ang local ingredients. Si Chef Wado Tan Siman naman ay kilala sa kanyang creative at bold na mga pagkain sa Wadough’s, Brutal, at Atina Café.