
Ang isang lalaki ay nahuli matapos magnakaw ng cellphone sa isang gadget shop sa Blumentritt, Sta. Cruz, Manila noong Biyernes ng umaga. Sa kuha ng CCTV, makikitang tumakbo ang suspek sa gitna ng mataong kalsada matapos ang insidente.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagpanggap ang lalaki na bibili ng cellphone. Habang abala ang staff sa isa pang customer, bigla na lang niyang kinuha ang cellphone na nagkakahalaga ng ₱5,500 at tumakbo palayo.
Sumigaw ang tindera matapos ang pagnanakaw, kaya naghabulan ang ilang bystander para habulin ang suspek. Maswerte namang may rumurondang pulis sa lugar kaya agad itong nahuli.
Paliwanag ng suspek, kakakatanggal lang daw niya sa trabaho bilang pork vendor sa Manila at pauwi na sana siya ng probinsya sa Tarlac. Dahil sa matinding pangangailangan, nagawa raw niyang magnakaw.
Ngayon, nakakulong na ang suspek at mahaharap sa kasong robbery.