Ang sikat na sneaker designer at vintage collector na si Sean Wotherspoon ay nakipag-collab sa Zellerfeld para sa bagong koleksyon ng 3D-printed na sapatos. Tinawag itong Sean Double U, na may dalawang disenyo: isang sneaker para sa aktibong galaw at isang mule para sa komportableng pagpapahinga.
Parehong gawa sa isang recyclable na materyal, walang ginagamit na glue o tahi sa paggawa. Bukod pa rito, bawat pares ay custom-fitted gamit ang simpleng foot scan para siguradong swak sa paa ng bawat bumili.
Ayon kay Wotherspoon, may kalayaan silang magdisenyo ng gusto nila at mabilis ang proseso mula sa ideya hanggang prototype, na nagbubukas ng bagong oportunidad para sa mga designer.
Ang presyo ng Sean Double U Sneaker ay $189 USD habang ang Sean Double U Mule ay $149 USD. Available na ito online at ginagawa lamang kapag umorder na ang customer.