
Ang isang sunog ang sumiklab sa isang residential area sa Samatierra Compound, Barangay Almanza Uno, Las Piñas City nitong Lunes ng tanghali, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Nagsimula ang apoy bandang alas-12 ng tanghali at mabilis na tumaas ang alarma. First alarm ay naitala sa 12:18 p.m., second alarm sa 12:21 p.m., at third alarm sa 12:24 p.m.
Masuwerteng na-kontrol ang sunog halos isang oras matapos ang pagtaas ng alarm levels, bandang 1:15 p.m.
Sa ngayon, wala pang detalyeng inilalabas ang BFP tungkol sa lawak ng pinsala o kung may nasaktan sa insidente.
Maghintay tayo sa mga susunod na update habang patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring sunog.
Tags: Headline News