
Ang rehabilitasyon ng EDSA ay pansamantalang pinahinto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa halip, gagamit na lang ng modernong teknolohiya para mapabilis ang construction na inaasahang tatagal ng anim na buwan.
Pinag-aralan ng pangulo ang epekto nito sa ekonomiya at sa mga pasahero na araw-araw dumadaan sa EDSA para makapunta sa trabaho. Kaya naman inatasan niya ang DPWH, DOTr, MMDA, at iba pang ahensya na pag-aralan nang mabuti ang plano at maghanda ng konkretong hakbang para sa mabilis at maayos na rehabilitasyon.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, hindi katanggap-tanggap ang dalawang taong trapikong nararanasan kaya sisiguraduhin ng DOTr na gagamitin ang makabagong paraan para maging mas magaan ang biyahe ng mga motorista at komyuter, lalo na ngayong paparating na ang pasukan.