Ang GCash, ang kilalang finance app ng bansa, ay may bagong pa-promo para sa mga loyal users! Sa bawat Buy Load transaction ng eligible users, makakakuha ka ng libreng health at accident insurance mula sa FPG Insurance sa tulong ng GInsure.
Ayon kay Winsley Bangit, VP ng GCash New Businesses, layunin nilang gawing accessible ang financial protection sa bawat Pilipino. Kahit simpleng pagbili lang ng prepaid load, may kaakibat nang benepisyo tulad ng accidental health coverage—libre pa!
Kapag bumili ka ng load, makakakuha ka agad ng Php 10,000 accidental death coverage, at maaari itong umabot ng Php 30,000 kapag nakatatlong beses kang bumili ng eligible load. May dagdag na benepisyo rin tulad ng Php 500/day income support kapag na-ospital, at Php 10,000 disablement benefit bilang safety net.
Para naman kay Ren-Ren Reyes, CEO ng G-Xchange Inc., malaking tulong ito para mapagaan ang pasanin sa oras ng emergency. Hindi lang medical bills ang sakop, kundi pati ang tulong sa kita habang nagpapagaling.
Sa ngayon, halos 2% lang ang may insurance sa Pilipinas. Sa dami ng Buy Load users ng GCash, malaking hakbang ito para mas maraming Pinoy ang maprotektahan sa abot-kayang paraan—o sa kasong ito, libre na talaga!