
Ang nakakulong na pastor at tumatakbong senador na si Apollo Quiboloy ay humiling ng manual recount sa Commission on Elections (COMELEC). Nasa ika-31 pwesto siya sa pinakahuling bilang ng boto na may 5,577,812 votes.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, nagdesisyon silang humiling ng recount dahil sa mga ul reported irregularities tulad ng discrepancy sa election returns, hindi tugmang firmware versions, at mga kaso ng overvoting.
Nilinaw ni Torreon na ang hiling na ito ay hindi laban sa Comelec, kundi para masigurong totoo at malinis ang resulta ng eleksyon. Gusto nilang tiyakin na boses ng mamamayan ang mananaig.
Si Quiboloy ay leader ng Kingdom of Jesus Christ ministry at kasalukuyang nakakulong. Nahaharap siya sa mga kasong child abuse, sexual abuse, at human trafficking sa Pilipinas at sa Estados Unidos.