Ang isang turistang Tsino na si Zhang Xiaohan, 30 taong gulang, ay nalunod sa Kakaban Island, East Kalimantan, Indonesia noong Mayo 2. Nalaglag ang kanyang GoPro camera habang paakyat siya mula sa scuba diving session.
Ayon sa tour guide, binalaan si Zhang na huwag nang bumalik sa ilalim ng tubig. Ngunit bumaba pa rin siya para kunin ang GoPro kahit nasa halos 8 metro na siya mula sa ibabaw. Nahirapan siyang umahon at tinangay ng malakas na agos.
Naulat na narecord ng mismong GoPro ang kanyang mga huling sandali. Hinintay siya ng grupo na lumutang muli ngunit hindi siya nakita, kaya ini-report siyang nawawala bandang alas-9 ng umaga.
Nagpadala ng rescue team ang mga sundalo at lokal na grupo mula sa Basarnas. Natagpuan ang kanyang katawan kinabukasan, nasa 88 metro ang lalim at malayo na mula sa pinanggalingan. Ayon kay Endrow Sasmita mula sa Basarnas, hirap sila sa pag-retrieve dahil sa sobrang lalim ng tubig.
Dinala ang katawan ni Zhang sa Abdul Rivai General Hospital sa Berau para sa post-mortem exam. Nagkaisa ang mga grupo sa pagsagip at matagumpay na natagpuan ang biktima.