Ang Netflix ay magtataas ng presyo ng kanilang mga subscription plan sa Pilipinas simula Hunyo 1, kasabay ng pagpapatupad ng digital tax law. Ang Republic Act No. 12023, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Oktubre 2024, ay magpapataw ng 12% VAT sa mga banyagang digital service providers at tech firms na nag-aalok ng serbisyo sa bansa.
Narito ang mga bagong presyo ng subscription plan:
Mobile - P169/buwan (dati P149)
Basic - P279/buwan (dati P249)
Standard - P449/buwan (dati P399)
Premium - P619/buwan (dati P549)
Ang mga karagdagang member slots para sa Standard at Premium subscribers ay magiging P169/buwan, mula P149.
Inaasahan din na magtataas ng presyo ang mga ibang streaming services tulad ng Disney+, Prime Video, Max, Spotify, at Apple Music bago ang Hunyo 1. Ayon sa Department of Finance, inaasahan nilang makakolekta ng P102.12 bilyon mula sa buwis na ipapataw mula 2025 hanggang 2028.