Ang Commission on Elections (Comelec) ay naglabas ng babala tungkol sa isang fake news na kumakalat sa social media. Ayon sa viral post, “NO NATIONAL ID, NO VOTE” daw sa May 12 elections, at mandatory raw ang pagdala ng National ID para makaboto.
Nilinaw ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na hindi ito totoo. Wala raw ganitong advisory na galing sa Comelec, at hindi rin ito naka-post sa kanilang official or verified social media accounts. “Fake news po ito. Isa lang itong paninira sa Comelec at sa ating election process,” sabi niya.
Ipinaliwanag din niya na hindi kailangan ang National ID para makaboto. Pero kung sakaling hindi ma-verify ang identity ng botante sa EDCVL, doon lang hihingan ng valid ID.
Dagdag pa ni Laudiangco, mag-ingat sa mga posts online at siguraduhing sa official sources lamang kukuha ng impormasyon tungkol sa eleksyon.