
Matapos ang ilang buwan mula sa international launch, dinala na ni Samsung ang Galaxy Tab A11+ sa Pilipinas. Available ito sa WiFi at 5G variants, na may presyo nagsisimula sa Php 14,990. Isa itong budget-friendly pero feature-packed na tablet para sa mga estudyante, professionals, at casual users.
Ang Galaxy Tab A11+ ay may 11-inch 90Hz display at quad speakers with Dolby Atmos, perfect sa streaming at gaming. Pinapagana ito ng Dimensity 7300 processor, kasabay ng 6GB RAM at 128GB storage para sa parehong WiFi at 5G models. May option ka rin ng MicroSD card expansion hanggang 2TB.
Hindi ka rin mauubusan ng power dahil sa 7040mAh battery na tumatagal buong araw. Maaari rin itong i-top up gamit ang 25w wired charging. Bukod dito, may headphone jack para sa wired earphones, na useful kung gusto mo ng traditional audio setup.
Isa sa pinakamurang Samsung device na may DeX support para sa desktop-like experience, perfect para sa work at study. Mayroon ding Google Gemini Live support, at ang Samsung Notes ay may Solve Math feature na sobrang helpful sa students at learners. Para sa photography, meron itong 5MP selfie camera at 8MP rear camera.
Ang 6GB/128GB WiFi variant ay may presyo na Php 15,590, habang ang 6GB/128GB 5G variant ay Php 18,790. Pwede mo itong makuha sa halagang Php 14,990, at kung bibili ka during live selling, makakakuha ka rin ng 128GB MicroSD card at 25w travel adaptor.




