
Ang BINI ay muling nagpasiklab sa music scene sa paglabas ng kanilang bagong album na FLAMES, ang ikatlong full-length album nila at pangalawang major release ngayong 2025. Inspirasyon nito ang childhood game na “FLAMES,” habang tinatalakay ang love, empowerment, at femininity, na tugma sa kanilang signature style.
Sa album na ito, makikita ang halo ng bubblegum pop at R&B na may kabuuang pitong kanta. Kabilang dito ang naunang hits na “Shagidi,” “First Luv,” at “Paruparo,” pati na rin ang mga bagong tracks na “Infinity,” “Katabi,” “Bikini,” at ang focus track na “Sweet Tooth.”
Kasama sa gumawa ng album ang kilalang producers tulad nina Greg Shilling, Lindgren, Kajo, Leather Jacket, Tommy Brown, at si Jonathan Manalo ng Star Music. Nag-ambag din sa songwriting sina Angela Ken, Dwta, Kiana Valenciano, at ilang miyembro ng BINI tulad nina Jhoanna, Stacey, at Mikha.
Kasabay ng album release, inilabas din ang special music video ng “Sweet Tooth,” tampok sina Jhoanna, Aiah, Stacey, Mikha, Sheena, Gwen, Maloi, at Colet. Ang MV ay idinirek ni Kerbs Balagtas at prinoduce ng YouMeUs MNL.
Bilang selebrasyon, magbabalik ang BINI sa Philippine Arena para sa ‘BINIFIED’ Year-End Concert sa November 29, 2025 sa Bulacan. Dito unang maririnig live ang karamihan sa bagong tracks, kasama ang solo stages at sorpresa para sa BLOOMs. May natitira pang limited tickets sa TicketNet at Pulp Tickets mula Php 849 hanggang Php 14,999.




