
Ang bagong tuklas na liham ni Manuel L. Quezon para sa kanyang asawa na si Aurora ay nagpakita kung paano niya ipinagtanggol ang sarili laban sa mga paratang ng love affairs. Sinulat noong 1937, ang liham ay nakalagay sa papel na may Malacañan Palace at naglalaman ng taos-pusong paliwanag ng pangulo.
Sa liham, hiniling ni Quezon na, “Please don’t doubt me.” Binigyang-diin niya na ang pagmamahal niya kay Aurora ay hindi nagbago mula noong una. Inamin niya na may mga kahinaan siya, ngunit sinabi niyang “superficial” lamang ito at hindi dapat bigyan ng masamang kahulugan.
Ipinaliwanag din niya ang isyu tungkol sa isang bailarina, na tinawag niyang isang maliit na pagkakamali. Sinabi niyang mula noong ikinasal sila, inamin na niya ang kanyang shortcomings dahil ayaw niyang mandaya o magtago ng katotohanan.
Ikinuwento rin ni Quezon na umalis si Doña Aurora papuntang Baguio nang hindi siya sinabihan, bagay na nakaapekto sa kanya sa harap ng mga tao sa Palasyo. Pero kahit nasaktan siya, pinili niyang magpatawad.
Sa huli, itinanggi niya ang paratang na may relasyon siya sa isang government pensionada, at matapang na sinabi, “I resent the insinuation.” Dagdag pa niya, dahil pangulo siya, mas tumibay ang kanyang values at iniisip niya ang dangal ng kanyang posisyon kahit sa personal na buhay.