
Ang Mad Cool Festival 2026 ay nag-announce na sina JENNIE, Lorde, Twenty One Pilots, at mga bigating artist ang magiging mga headliner para sa kanilang 10th anniversary sa Madrid. Gaganapin ito mula July 8 hanggang 11, na may 70 artists mula sa iba’t ibang bansa.
Sa unang araw, tampok ang rock band Foo Fighters, electronic music star Moby, at indie favorite The War On Drugs, kasama ang Wolf Alice. Sa ikalawang araw naman, magpe-perform si Florence + The Machine, JENNIE, Lorde, at pop star Zara Larsson.

Pang-ikatlong araw, aabangan ang Twenty One Pilots, kasama ang Kings of Leon, Pixies, at Halsey. Sa huling araw ng festival, magtatanghal sina Nick Cave & The Bad Seeds, Pulp, at The Black Crowes para sa closing show.
Magbubukas ang Pre-sale para sa ilang members sa November 17, habang ang general sale ay magsisimula sa November 20. Wala pang presyo ngayon, pero dati nagkakahalaga ang tickets mula PHP 5,800 pataas.




