
Kasama sa promo ang mga sikat na local destinations tulad ng Siargao at Boracay, pati na rin ang international spots gaya ng Tokyo, Hong Kong, Bali, at Dubai. Perfect ito para sa mga gustong magbakasyon nang mura.
Promo available hanggang Nov. 15, habang ang travel period ay mula June 1 hanggang Oct. 31, 2026.
Ang domestic fares may kasamang 7 kg hand-carry baggage, pero hindi pa kasama ang Web Admin Fee, 12% VAT, terminal fees, at fuel surcharge. International fares may parehong baggage allowance pero hindi pa kasama ang web admin fees, P550 international terminal fee, at fuel surcharge.
Para mag-avail ng deal, pumunta sa seat sale section ng airline at i-click ang “book now” sa destination na gusto mo!


