Ang PlayStation ay naglunsad ng bagong 27” Gaming Monitor na ginawa para sa mga gamer na mas gusto maglaro gamit ang PS5 sa kanilang desktop setup. Ayon sa Sony Interactive Entertainment (SIE), layunin nitong bigyan ng mas flexible na paraan ang mga manlalaro para mag-enjoy sa kanilang mga laro kahit hindi sa sala. Ipapalabas ito sa U.S. at Japan sa taong 2026.
Ang monitor ay may Quad High Definition (QHD) IPS panel na may resolution na 2560×1440, na nagbibigay ng malinaw at detalyadong display. Para sa mga gumagamit ng PS5 o PS5 Pro, mayroon itong Auto HDR Tone Mapping na awtomatikong inaayos ang kalidad ng kulay at liwanag para sa mas vivid na visuals. May Variable Refresh Rate (VRR) at refresh rate na hanggang 120 Hz sa PS5, habang umaabot naman sa 240 Hz kapag ginamit sa PC o Mac.
Bukod sa malinaw na display, may kasama rin itong built-in Charging Hook para sa DualSense o DualSense Edge controller, kaya’t madali na lang magsimula ng gaming session. Ang disenyo nito ay bagay sa mga personal gaming spaces, lalo na kung isasama sa bagong Pulse Elevate wireless speakers para sa high-quality sound at visuals.
Ang bagong PlayStation 27” Gaming Monitor ay inaasahang magiging available sa halagang humigit-kumulang ₱30,000 hanggang ₱35,000 kapag inilunsad sa 2026 sa U.S. at Japan.


