Ang opisyal na trailer ng Kill Bill: The Whole Bloody Affair ni Quentin Tarantino ay inilabas na. Pinagsama nito ang dalawang volume bilang isang epic na pelikula na may kabuuang haba na 281 minuto, kasama ang 15-minutong intermission.
Kasama rin dito ang 7.5-minutong bagong anime sequence na hindi pa nakikita ng publiko. Ayon kay Tarantino, “Sinulat at dinirek ko ito bilang isang pelikula, kaya masaya ako na mapapanood na ito ng mga tagahanga sa paraang gusto ko—sa malaking screen, puno ng dugo at aksyon!”
Bida sa pelikula si Uma Thurman bilang Beatrix Kiddo/The Bride, isang buntis na babae na pinagtangkaang patayin ng kanyang dating kasintahan at amo na si Bill (David Carradine). Pagkagising niya mula sa coma, sinimulan niya ang madugong paghihiganti laban sa mga kasapi ng Deadly Viper Assassination Squad.
Kasama rin sa cast sina Lucy Liu, Vivica A. Fox, Michael Madsen, Daryl Hannah, Gordon Liu, at Michael Parks.
Mapapanood na ang Kill Bill: The Whole Bloody Affair sa mga sinehan sa U.S. sa Disyembre 5, na tinatayang may halagang ₱950 ang ticket kung iko-convert sa piso.




