
Ang mga AI courses ay nananatiling pinaka-popular na kunin ng mga Pilipino sa Coursera. Ayon kay Ashutosh Gupta, isang Pilipino ay nag-eenroll sa generative AI kada 9 minuto, mas mabilis kumpara sa kada 15 minuto noong 2024.
Umabot na rin sa 80,000 oras ang ginugol ng mga Pilipino sa pag-aaral tungkol sa AI gamit ang platform. Binanggit ni Gupta na mahalaga ang reskilling at upskilling ng mga empleyado para makasabay sa mabilis na pag-usbong ng AI.
Naglabas ang Coursera ng bagong presyo para sa Pilipinas: ₱1,400 bawat buwan, ₱9,400 para sa isang taon, o kaya ₱1,800 kung kada kurso ang bayad. Layunin nito na gawing mas abot-kaya ang online learning para sa mas maraming Pilipino.
Mayroon nang halos 2.9 milyong rehistradong learners mula sa Pilipinas, pinakamataas sa Southeast Asia. Mahigit 30 kumpanya rin sa bansa ang gumagamit ng Coursera para sa training ng kanilang mga empleyado.
Plano ng Coursera na makipag-partner pa sa mas maraming kolehiya, unibersidad, at kumpanya upang makatulong sa mas malaking bilang ng Pilipino na mag-aral at mag-level up ng kanilang skills.