
Ang Pinay tennis star na si Alex Eala ay nagpakitang gilas muli sa China matapos talunin ang Japan bet na si Mei Yamaguchi, 6-0, 6-3, para makapasok sa Jingshan Open quarterfinals.
Inilipat sa indoor court ang laban dahil sa ulan, bagay na naging pabor kay Eala. Sa mas mabilis na kondisyon, agad niyang nakontrol ang laro at nag-umpisa sa 5-0 lead, bago tinapos ang unang set ng 6-0.
Nagkaroon ng pagkakataon si Yamaguchi na makabawi sa second set at nakapuntos hanggang 4-3, ngunit nanatiling matatag si Eala sa baseline rally at tuluyang isinara ang laban sa 6-3.
Sunod-sunod na panalo laban kina Aliona Falei at Yamaguchi ang nagdala kay Eala sa quarterfinals, kung saan makakaharap niya ang beteranang Jia-Jing Lu ng China, 35 anyos at may record na 28 panalo at 22 talo ngayong taon.
Si Lu ay kasalukuyang nasa rank No. 349 sa WTA, at naabot ang career-high rank na No. 162 noong 2019. Malaking laban ito para kay Eala habang patuloy niyang ipinapakita ang kanyang husay sa international stage.