Ang dbrand ay naglabas ng Tank Case, at dito makikita ang posibleng hitsura ng iPhone 17. Kilala ang brand sa maagang paglabas ng accessories, kaya marami ang naniniwala na totoo ang kanilang design.
Base sa mga leak, ang iPhone 17 ay magkakaroon ng bagong camera design. Hindi na ito gagamit ng dating squircle housing na unang lumabas pa noong iPhone 11 Pro. Sa halip, may horizontal bar na naka-extend sa likod ng phone, na siyang lalagyan ng cameras.
Nauna nang kumalat online ang larawan ng isang “iPhone 17 Pro” na kulay itim. Ngayon, ang case ng dbrand ay tila kumpirmasyon na sa magiging porma ng bagong model.
Nang tanungin ang founder ng dbrand na si Adam Ijaz kung hula lang ba ang design ng kanilang case, simple lang ang sagot niya: “Hindi ito basta hula.”
Kung totoo ang lahat ng ito, makakaasa ang mga Apple fans ng isang malaking pagbabago sa design ng susunod na iPhone. Inaasahang maglalabas ang Apple ng opisyal na anunsyo sa mga susunod na buwan.