
Ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay bumuo ng Education and Workforce Development Group para ayusin ang problema sa edukasyon at trabaho sa bansa. Ayon kay Marcos, ang mga programa ngayon ay pira-piraso at may mga hindi magkaayon na polisiya.
Layunin ng grupo na gumawa ng 10-year plan para maging tugma ang Philippine education at labor force sa pangangailangan ng global economy. Kasama sa plano ang pagtukoy ng priority programs, pagpapalakas ng labor market system, at mas maayos na coordination ng mga ahensya.
Sa ilalim ng Administrative Order 36, si Marcos ang magiging chair, kasama ang Education Secretary bilang co-chair at Labor Secretary bilang vice chair. Kabilang din dito ang CHED, TESDA, DMW, NEDA, at iba pang ahensya.
Samantala, tinuligsa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) si Sara Duterte matapos sabihin na ang edukasyon sa bansa ay nakatali pa rin sa “paper and pencil.” Ayon sa ACT, hindi papel at lapis ang problema kundi ang mga lider na inuuna ang pansariling interes. Binanggit din ng grupo ang mga anomalya sa kanyang termino tulad ng ₱125 milyon confidential fund na ginastos sa loob ng 11 araw at mga hindi naipatupad na proyekto.
Bukod dito, pinag-aaralan ng DepEd ang pag-upa ng mga gusali para magamit bilang silid-aralan at pakikipag-ugnayan sa mga LGU para sa pagpapatayo ng classrooms. May kakulangan na 165,443 classrooms sa buong bansa, kaya tinitingnan ang mga property na puwedeng arendahan.