
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark at ng PDEA ang halos 3,900 grams ng high-grade marijuana o kush. Ang street value nito ay nasa ₱5.8 million.

Ang shipment ay dumating noong March 26 mula sa Thailand at dapat sana ay ipapadala sa Legazpi, Albay.

Nadiskubre ang droga matapos itong ma-check gamit ang K-9 sniff test at physical inspection. Nakita ito sa loob ng 32 self-sealing packs na may label na "Crispy Broccoli".

			
		    



