
Damian Lillard ng Milwaukee Bucks ay mawawala nang matagal matapos siyang ma-diagnose na may blood clot sa kanyang right calf. Dahil dito, kailangan niyang uminom ng blood-thinning medication para maging stable ang kanyang kondisyon. Ayon sa Bucks GM Jon Horst, health ni Lillard ang kanilang priority at dadaan siya sa strict process para masigurong safe ang kanyang pagbabalik. Buti na lang daw naagapan agad ito, kaya mas mabilis ang recovery.
Sa ngayon, nasa 5th place ang Milwaukee Bucks sa Eastern Conference na may 40-31 record. Pero kung matagal mawawala si Lillard, malaking dagok ito sa kanilang playoff hopes. Ngayong season, nag-a-average si Lillard ng halos 25 points, 4.7 rebounds, at 7.1 assists at malakas ang tandem nila ni Giannis Antetokounmpo sa opensa.