

Inanunsyo ng Honor at Porsche Design ang kanilang pinakabagong produkto na ipinanganak mula sa kanilang malikhaing partnership, ang PORSCHE DESIGN HONOR Magic7 RSR smartphone – o mas kilala bilang Magic7 RSR – na ilulunsad sa “early 2025.”
Ang Magic7 RSR ay isang "ultra-premium" na bersyon ng Honor Magic7 Pro smartphone at ito na ang ikatlong kolaborasyon ng dalawang brand, kabilang ang Magic V2 RSR noong nakaraang taon. Hindi nakakagulat na sa 2025, ang AI ay nasa sentro ng bagong device na ito, at sinabi ng Honor na ang bagong telepono “ay isang malaking hakbang pasulong sa AI-enabled mobile technology.”
Ang Porsche’s RSR – acronym para sa “RennSport Rennwagen” o "racing sport racing car" sa German – ay makikita sa bawat detalye ng Magic7 RSR. Kasama na dito ang hexagonal camera module na sinasabing inspirasyon ng mga high-performance components, pati na ang aerodynamic qualities ng phone na hango sa Porsche Taycan Turbo S. Maging ang pagkaka-arrange ng tatlong rear cameras at “Matrix Camera” graphic ay inihalintulad sa symmetrically positioned headlights ng isang sports car.
Ang Magic7 RSR ay pinapalakas ng Snapdragon 8 Gen Elite Mobile Platform, ang pinakabagong flagship Android processor mula sa Qualcomm, at may kakayahang magsagawa ng AI-related functions. Mayroon din itong pre-installed na MagicOS 9.0, isang AI-powered operating system na may "Magic Portal" interface na nagpapadali sa pag-access ng maraming AI capabilities ng telepono.
Ang telepono ay may 6.8-inch display at may mga built-in technologies para sa kalusugan ng mata, tulad ng natural tone display at low blue light technology. Sa aspeto ng tunog, mayroong HONOR Surround Subwoofer stereo speaker system na may spatial audio at malalim na bass.
Ang PORSCHE DESIGN HONOR Magic7 RSR ay ilulunsad sa dalawang kulay: Porsche’s iconic “Agate Grey” at bagong kulay na “Provence”. Ito ay magiging available sa early 2025.