
Arestado ang anim na pulis mula sa Malate Police Station matapos madawit sa sunod-sunod na insidente ng holdup at pagnanakaw sa Arsonvel Street, Barangay San Isidro, Makati. Ang unang insidente ay naganap noong Miyerkules, Enero 28, bandang 7:48 ng gabi, at isa pang insidente noong Sabado, Enero 24, ayon sa ulat ng NCRPO chief na si PMGen Anthony Aberin.
Ayon sa mga saksi, palabas lamang ng bahay ang 55-anyos na biktimang si Manuel upang bumili ng bigas nang lapitan siya ng mga suspek. Sinunog pa umano ang kanyang balat gamit ang lighter bago tinangay ang P700 at cellphone niya. “Bibili lang sana ako ng bigas, biglang dumating sila. Yung isa kinuha pera ko, yung isa pilit binuksan ang GCash ko. Sabi ko, 'walang laman 'yan, sir,'” ani Manuel.
Isinalaysay ni Rose Marie, isang saksi, ang karahasang naranasan ng biktima. “Binabanatan siya, susuntok, at kinukuha ang pera at cellphone niya. May kasama akong nagsabi, 'tito ko po yan, huwag naman po.' Minumura siya at pinilit,” dagdag ni Rose Marie. Lumalabas na nabiktima rin siya noong Enero 24, kasama ang isa pang 57-anyos na lalaki. Pumasok umano ang mga suspek sa bahay, nagpakilalang pulis, at may baril. Tinangay nila ang P50,000, $9,000, wallet, at cellphone.
Natunton ng Makati PNP ang mga suspek matapos tumawag ang mga residente sa kanilang hotline. Nahuli sa CCTV ang pagdating ng mga suspek sakay ng limang motorsiklo. Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang anim na suspek, kabilang ang isang police sergeant, at narekober ang limang motorsiklo at mga ninakaw na cellphone. Ngunit P12,000 lamang ang natagpuan mula sa cash na ninakaw.
Ayon kay NCRPO director Maj. Gen. Anthony Aberin, bukod sa pagkakaaresto, inalis sa puwesto ang station commander ng Malate Police Station at ang buong Station Drug Enforcement Unit. “Anim ang pulis na involved, at isasailalim sa imbestigasyon para sa command responsibility. Hindi natin itotolerate ang ganyang pangyayari, at kahit sinong pulis




