
Cha Eun-woo, isa sa pinakasikat na aktor at singer sa South Korea, ay personal na humingi ng paumanhin matapos ang alegasyon ng tax evasion. Inihayag niya sa Instagram na handa siyang makipagtulungan sa lahat ng kaugnay na proseso para maresolba ang isyu.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Eun-woo na siya ay humihingi ng paumanhin sa mga taong naapektuhan at nabigla dahil sa mga pangyayari kamakailan. Idinagdag niya na ginamit niya ang pagkakataong ito upang magnilay sa kanyang tungkulin bilang mamamayan, lalo na sa pagbabayad ng buwis.
Nilinaw ng 28-anyos na artista na ang kanyang military service na nagsimula noong Hulyo 2025 ay hindi ginawa upang iwasan ang kontrobersiya. “Noong nakaraang taon, hindi ko na maipagpaliban ang pagpasok sa serbisyo militar, kaya nag-enlist ako kahit hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa buwis,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, nararamdaman niya ang responsibilidad sa anumang hindi pagkakaunawaan at nais niyang personal na humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan kung hindi siya kasalukuyang sundalo. Ayon sa batas ng South Korea, ang halos lahat ng kalalakihang may edad na ibaba sa 30 ay kailangang magsilbi sa militar sa loob ng 18 hanggang 21 buwan.
Sa pagtatapos, tiniyak ni Eun-woo na siya ay magpapatuloy sa mga tax-related na proseso at tatanggap ng buong responsibilidad sa desisyon ng mga awtoridad. Nangako rin siyang magnilay nang mas mabuti at mamuhay nang may higit na pananagutan, bilang pasasalamat sa pagmamahal ng kanyang mga tagahanga.




