
Ang Jungkook ng BTS ay opisyal na itinalaga bilang Global Brand Ambassador ng Chanel Fragrance & Beauty, ang dibisyon ng luxury house na nakatuon sa pabango, cosmetics, at skincare.
Ayon kay Jungkook, ang CHANEL ay isang makabagong fashion house na pinahahalagahan ang walang kupas na pamana habang patuloy na nagre-reinvent sa modernong panahon. Bilang isang artist, aniya, mahalaga sa kanya ang pananatiling tapat sa sariling estilo habang humaharap sa bagong hamon, kaya’t espesyal para sa kanya ang kolaborasyong ito sa CHANEL Fragrance & Beauty.
Opisyal na inanunsyo ng Chanel ang partnership noong Disyembre 11, 2025. Ipinahayag ni Thomas du Pré de Saint Maur, Head of Global Creative Resources ng Fragrance & Beauty, ang kanyang matinding paghanga sa talento ni Jungkook, sa kanyang musika, at sa matapang na malikhaing pagpapasya nito.
Idinagdag pa niya na si Jungkook ay isang inspirasyon ng bagong henerasyon, na nagpapalaganap ng passion at creativity saan man siya magpunta, at labis siyang nasasabik sa hinaharap na kolaborasyon.
Samantala, kamakailan ding lumabas si Jungkook sa travel reality show na Are You Sure? kasama si Jimin, at naghahanda na rin ang BTS para sa kanilang inaabangang full-group comeback sa 2026, na may bagong album sa spring 2026 at isang world tour kasunod nito.




