
Ang Google ay may bagong update na nagbibigay-daan sa mga user na palitan ang kanilang Gmail address nang hindi nawawala ang mahahalagang emails, photos, at messages. Mas maganda pa rito, tatanggap ka pa rin ng emails mula sa lumang address at magagamit mo pa rin ito sa pag-sign in sa Google services.
Para palitan ang Gmail address, pumunta sa iyong Google Account gamit ang computer, piliin ang Personal info, pagkatapos ay i-click ang Email. Sa ilalim ng Google Account email, piliin ang Edit kung available, at ilagay ang bagong email address na hindi pa ginagamit ng ibang account. Sundin ang instructions at i-verify ang email sa pamamagitan ng verification link.





