
Ang iPhone Air ay maaaring pinakamagandang bilhin ngayon para sa mga naghahanap ng ultra slim na smartphone. Sa Pilipinas, may malaking diskwento ang Beyond the Box kung saan ang 256GB variant ay bumaba sa Php 59,890, katumbas ng Php 17,100 na bawas-presyo.
Kung ikukumpara, ang 256GB iPhone 17 ay nagkakahalaga ng Php 57,990 sa parehong tindahan. Sa maliit na diperensya sa presyo, mapapaisip ka kung bakit pipiliin ang iPhone Air na may isang camera lang, mas maliit na battery, at eSIM-only support.





