
Ang HONOR ay nagtapos ng 2025 sa isang malaking tagumpay sa pagbubukas ng ika-200 nitong store sa SM Manila noong Disyembre 20. Ayon kay HONOR Philippines Vice President Stephen Cheng, bunga ito ng tatlong taong pagsisikap ng kumpanya. Binubuo ang milestone na ito ng 100 experience stores at 100 kiosks, na malinaw na patunay ng mabilis at matibay na paglago ng brand sa bansa.







