
Ang Palasyo ay nag-anunsyo na suspendido ang pasok ng mga empleyado ng gobyerno sa December 29, 2025 at January 2, 2026. Layunin nito na bigyan ng oras ang mga kawani para makauwi at makapagdiwang ng New Year kasama ang pamilya.
Ayon sa memorandum circular No. 111 na pinirmahan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto, pinapayagan ang mga empleyado na bumiyahe papunta at pabalik ng kanilang mga probinsya sa mga nasabing petsa.
Gayunman, sinabi ng Palasyo na ang mga ahensya na may basic, vital, at health services ay mananatiling bukas at tuloy ang operasyon. Nasa desisyon ng private companies kung susunod din sila sa work suspension ngayong holiday season.
Tags: Nation




