
Ang Clair Obscur: Expedition 33 ay mas lalong naging mahirap matapos ilabas ang libreng Thank You Update, kasunod ng panalo nito bilang Game of the Year. Ang update ay regalo ng developer na Sandfall Interactive para sa mga fans.
Idinagdag sa update ang Endless Tower, kung saan haharap ang players sa mas pinalakas na boss versions. Kahit ang mga beteranong manlalaro ay nahihirapan sa laban dahil kailangan ng perfect parry at tamang strategy para mabuhay.
May bago ring lugar na tinatawag na Verso’s Drafts, na puno ng kakaibang lugar, secret puzzles, at bagong kalaban. Kapalit nito ay 13 bagong weapons, pati Pictos at Lumina na mas nagpapalakas sa karakter.
Bukod sa combat, may dagdag na Photo Mode, Steam Deck support, at Lumina Sets para mas mabilis magpalit ng loadout. Dahil dito, mas buo at mas hamon ang karanasan ng mga manlalaro.




