Ang Nubia Fold ay opisyal na inilunsad sa Japan at namumukod-tangi dahil sa pinakamalaking battery sa foldable na 6560mAh na may 55W charging.
Pinapagana ito ng Snapdragon 8 Elite processor, 12GB LPDDR5X RAM, at 256GB UFS 4.0 storage, kaya matatag at mabilis sa performance.
May 8-inch 120Hz OLED ang main display na may 2480×2200 resolution, habang ang outer display ay 6.5-inch 120Hz OLED na may 2748×1172 resolution. Suportado rin nito ang split view sa ilang apps tulad ng camera, maps, at video call.
Para sa camera, may tatlong 50-megapixel sensors ang Nubia Fold—main, ultrawide, at macro—at 20-megapixel selfie cameras sa parehong display. May Android 15 na agad, IP54 rating, side fingerprint scanner, at face unlock.
Ito ay may presyo na JPY 178,560 (mga Php 68,000) sa Japan, na mas abot-kaya kumpara sa ibang brands tulad ng HUAWEI, Samsung, OPPO, HONOR, at vivo. Magiging available ito sa Japan sa Nobyembre 4, at inaasahang lalawak sa ibang bansa sa 2026.







