
Ang bagong coffee shop mula Thailand ay dumating na sa Bonifacio Global City. Binuksan ng Beanhound, na nasa ilalim ng Greyhound Café, ang unang branch nito sa Bonifacio High Street. Tampok dito ang matapang at matamis na Thai flavors, kabilang ang Mango Sticky Rice Latte, isang Philippine exclusive na gawa sa local mango puree at oat milk.
Sa menu, makikita hindi lang ang usual na kape tulad ng Mocha at Cappuccino. May mga kakaibang inumin tulad ng Namhom Coconut Americano, na hinaluan ng coconut water at coconut flesh, at Es-yen, na kilala bilang Thai version ng Spanish Latte. Meron ding Irish Coffee (non-alcoholic), na gumagamit ng beans na naka-store sa rum barrel. Galing ang kanilang beans sa Thailand, Brazil, Papua New Guinea, at Sultan Kudarat.
Ayon kay Mark, ang coffee master ng Beanhound, mas light, fruity, at floral ang lasa ng kanilang kape—halos tea-like dahil ito ang paborong profile ng mga Thai. Mas inuuna nila ang flavor kaysa caffeine kick, kaya ang mga inumin nila ay bagay kahit hindi ka naghahanap ng malakas na gising.





