
Ang Pilipinas ang napiling host ng Red Bull Half Court 2026 World Finals, ayon sa anunsyo nitong Miyerkules.
Kaunti pa lang ang inilabas na detalye, pero malaking hakbang ito para sa bansa sa mundo ng global 3x3 basketball.
Sinundan ng Pilipinas ang Dubai bilang host ng prestihiyosong torneo, na taon-taong dinadagsa ng top 3x3 teams mula sa iba’t ibang bansa.
Noong 2025 edition sa Japan, Egypt ang nagkampeon sa men’s division habang Japan naman ang nagwagi sa women’s division.
Kinatawan ng Pilipinas ang Uratex Dream at Taho Story, na nagdala ng bandera ng bansa sa international stage.




