
Ang net worth ni President Ferdinand Marcos Jr. ay umabot sa P1.375 bilyon, ayon sa kanyang 2024 SALN. Ipinakita rin sa dokumento ang assets niya na nagkakahalaga ng P389 milyon hanggang Disyembre 31, 2024.
Kabilang sa kanyang personal properties ang halagang P247 milyon, habang ang real properties niya, kasama ang agricultural, residential, at cultural properties, ay nasa P142 milyon.
Noong nakaraang taon, nasa P381 milyon ang net worth ni Marcos Jr., habang tumaas ang appraised value ng kanyang assets mula P960 milyon noong 2022, hanggang P1.157 bilyon noong 2023.
Ang pagbibigay ng SALN ay bahagi ng kampanya laban sa korapsyon. Pinayagan ng Office of the Ombudsman ang mas madaling pag-access sa SALN, kasunod ng mga lifestyle check sa mga government officials at mga "ghost projects" na natuklasan sa bansa.




