
Ang technical issue sa MRT-3 nitong umaga ay nagdulot ng abala sa mga pasahero, matapos huminto ang tren bago makarating sa Ortigas Station. Ayon sa ilang sakay, bigla itong tumigil habang papunta sa estasyon.
Umabot umano ng halos isang oras bago pinababa ang mga pasahero at inalalayan papunta sa Ortigas Ave. Station. Kinumpirma ng MRT-3 na nagkaroon ng technical issue bandang 6 a.m. sa pagitan ng Santolan at Ortigas southbound na naging dahilan ng pagkaantala.
Nagbigay naman ng tulong sa mga apektadong pasahero habang nagsagawa ang maintenance team ng masusing safety checks at repairs para maibalik ang takbo ng linya. Pagsapit ng 8:00 a.m., inanunsyo ng MRT-3 na balik-normal operations na sila sa bilis na 60 kph.
Bilang kabayaran, nag-alok sila ng libreng sakay para sa lahat ng pasahero sa buong araw. Nagpaabot din sila ng paumanhin sa abalang naranasan ng publiko.




