
Ang ModRetro Chromatic Handheld ay naglabas ng espesyal na Rayman 30th Anniversary Edition, bilang pagbalik ng sikat na 1995 2D platformer. Naka-cart pa rin ang laro at may modernong update habang dala ang retro na itsura at full-color packaging.
May 30+ levels mula sa original game, kasama ang makukulay na mundo at action na kilala sa Rayman. Susundan ng players si Rayman habang nililigtas ang mga Electoons mula kay Mr. Dark. Pareho pa rin ang art style pero mas malinaw ang kulay, tunog, at performance para sa handheld display.
Kasama sa release ang collector items gaya ng printed manual at Chromatic Charm na may karakter mula sa series. Ramdam pa rin ang retro gaming vibe pero may dagdag na features tulad ng mas maayos na saves at mas smooth na galaw.
Ang Rayman 30th Anniversary Edition ay naka-sale sa website nila sa ₱2,680 (mula £44.99 / $44.99). Ang Chromatic handheld naman ay mabibili sa ₱11,900 (mula £199.99 / $199.99) at may 7 color options.




