Ang OnePlus 15 ang bagong pinaka-ambisyosong flagship ng brand, dala ang mas mabilis na performance, mas matalinong AI tools at mas matibay na build. Pinalakas ito ng Snapdragon 8 Elite Gen 5, kasama ang triple-chip system para sa mas mabilis na response at mas stable na internet kahit maraming devices sa paligid.
Sa display, may 1.5K 165Hz LTPO panel na super smooth para sa gaming at malinaw para sa everyday use. May 1800 nits brightness para sa arawan at kaya ring mag-dim hanggang 1 nit para sa gabi. May high-precision na UAV-grade gyroscope para sa mas accurate na galaw sa games.
Powerful din ang battery dahil gamit nito ang 7300mAh Silicon NanoStack Battery na kaya magtagal ng apat na taon nang nasa 80% pa rin ang health. Sinusuportahan ito ng 120W SUPERVOOC fast charge (fully charged sa around 39 minutes) at 50W AIRVOOC wireless charging.
Para sa camera, may triple 50MP setup: main sensor na may OIS, ultra-wide na may autofocus para sa macro, at 50MP periscope telephoto na may 3.5x optical at 7x lossless zoom. Kayang mag-record ng 4K 120fps Dolby Vision, may LOG capture at real-time LUT preview. Gumagana ang device sa OxygenOS 16 na may Plus Mind AI tools tulad ng AI Writer, AI Recorder at AI Portrait Glow.
Sa design, may 1.15mm bezels, flat frame at kulay na Infinite Black, Sand Storm at Ultra Violet. May IP66, IP68, IP69 at IP69K ratings para sa tibay laban sa tubig at alikabok. Available na ang OnePlus 15 nang ₱57,900 PHP (approx.) para sa $999 USD model at ₱72,400 PHP (approx.) para sa £979 GBP model.






