
Ang Mister International 2025 na si Kirk Bondad ay kumpirmadong balik na sa relasyon nila ng aktres na si Lou Yanong.
Ibinahagi ni Bondad ang ilang sweet photos mula sa kanilang date kung saan nanood sila ng “Shrek the Musical” at kumain sa Gordon Ramsay Bar & Grill. Ayon sa kanya, hindi niya inasahan na magiging viral ang mga larawan. “Matagal na rin kaming nagkikita, kaya naisip ko, sige na nga, ipost ko na,” aniya.
Aminado si Kirk na mga apat o limang buwan na silang muling nagkabalikan. “Nagkita kami ulit sa simbahan at doon nagsimula lahat. Parang sinimulan namin mula sa umpisa,” dagdag pa niya.
Biro pa niya, “Parang kape na malamig tapos ininit ulit — medyo mapait pa rin, pero matapang at gumagana pa rin.”
Para kay Kirk, si Lou ay isang ‘beautiful support system’ at malaking biyaya sa buhay niya. “Sobrang suwerte ko na nandiyan siya,” sabi niya. Si Lou ay kasalukuyang bahagi ng cast ng “Roja” kasama sina Kyle Echarri at Donny Pangilinan.




