
Ang Cardo Systems, kilalang global brand sa rider communication, ay pumasok na rin sa paggawa ng full-face helmet sa kanilang bagong Beyond Series. May dalawang modelo ito—Beyond GT at Beyond GTS—na puno ng hi-tech safety at connectivity features.
Ayon sa Cardo, ang Beyond helmets ay gawa sa premium materials at may 53 mm JBL speakers, active noise cancellation (ANC) para sa malalakas na tunog sa highway, Crash Detection, detachable battery, 2 km intercom range, Pinlock 200 anti-fog, at built-in rear brake light para sa GTS variant.
Para sa mga Filipino riders na araw-araw bumibiyahe, nagtu-tour, o nagra-ride sa weekend, malaking tulong ang features tulad ng ANC at smart crash detection. Sa trapiko, maingay na kalsada, at pabago-bagong panahon, tiyak na makakatulong ang teknolohiyang ito para sa kaligtasan at comfort.
Ang mga helmet na ito ay ginagawa ng high-quality OEM manufacturer na gumagawa rin para sa mga sikat na brand tulad ng AGV, Bell, Alpinestars, Fox, at KLIM. Sa disenyo naman, katuwang ng Cardo ang KISKA Design Studio, ang parehong team na tumutulong sa KTM at Husqvarna, kaya siguradong moderno at matibay ang itsura.
Sa presyo, ang Beyond GT ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱60,000, habang ang Beyond GTS ay nasa ₱70,000. Inaasahang darating ito sa Pilipinas sa 2026, at siguradong magiging isa sa mga pinaka-aabangang helmet sa bansa.




