
Ang Apple ay kasalukuyang gumagawa ng bagong low-cost Mac na tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱34,000, ayon sa mga ulat. Layunin nitong makipagsabayan sa mga murang laptop tulad ng Chromebooks at budget PCs.
Tinaguriang “J700,” ang bagong device na ito ay para sa mga estudyante, negosyo, at casual users na gumagamit lang ng laptop para sa internet browsing, paggawa ng documents, o simpleng photo/video editing. Bahagyang mas maliit ito kaysa sa 13.6-inch MacBook Air.
Inaasahang magiging abot-kaya ang presyo dahil gagamit ito ng LCD display sa halip na high-end panel at iPhone processor sa halip ng karaniwang Mac chip. Ayon sa mga ulat, mas mabilis pa raw ang iPhone chip kaysa sa M1 processor at may mas mahabang battery life.
Ang bagong Mac ay kasalukuyang nasa testing at early production stage sa mga supplier abroad. Posibleng ilunsad ito sa unang kalahati ng 2026.
Wala pang opisyal na komento mula sa Apple, ngunit marami na ang excited sa posibilidad ng murang Mac na may macOS features at portable design.




